Tuesday, October 28, 2008

What's in the name?!



My first entry in Filipino :)
This is from my Salvation History -Our project for Theology.
Date Submitted: October 2, 2oo8, Thursday


Oo na!~

Kahit siguro sinong tanungin mo, aminin man niya o hindi, alam kong "ang wierd naman ng pangalan nitong batang 'to .." ang un aniyang sasabihin.

ampf!

Ako nga pala si Maiko Kaye Baysa at hulaan mo kung babae o lalaki ako!

Siguro nung natuto ako makipag-socialize, pinagdusahan ko na yung mga wrong spelling, wrong pronounciation, wrong mistake! at lahat na ng 'wrong' sa pangalan ko!
Andyan yung : maika, myco, mhyco, mayca, meiko, pati michael! (naalala ko dati sabi nung kaibigan ng mommy ko "hija, you're too pretty to be named michael!"-inay ko po! Maiko nga eh!)

May bonus pa!
Lahat naman siguro tayo dumaan sa pagkabata. And I'm sure, lahat tayo hindi naka-iwas sa tuksuhan , di bah?! Nahulaan niyo na siguro kung ano ang ibig kong sabihin :)

Well, hindi talaga ako nakaligtas sa panunukso gamit yang pangalan ko na yan. Andyan yung : maikolangot, maikoliti, maikomang, may kokey at lahat na ng "may ko" na salita.

Graaaaaaar!

Ngayon mo itanong sakin kung saan napulot ng hanep sa gimmick kong mga magulang yung pangalan ko. (pampalakas ng loob pag naiiyak na ako sa mag tukso nila)

Eherrm.. Eherrm... (roll the video!)

Some 25 years ago, noong si daddy ay nag-aaral pa lamang sa Philipine College of Criminology (sa ilalim ng pamamahala ng Unibersidad ng Pilipinas), na-assign siya as scout commander sa Manila Hotel for, I guess, two months. Tapos, he became friends with one of the japanese diplomat na tumuloy sa hotel nung mga panahon na yun..... And that diplomat had a daughter, his only child. Sus! Obvious naman siguro kung anong pangalan niya di bah?! MAIKO :)

At kahit paano, natutuwa ako dahil sabi ni daddy, maganda daw si maiko.... dalagang haponesa! Tapos sabi niya sa sarili niya: "waw! Ipapangalan ko yun sa magiging anak ko..." (with flying colors habang sinasabi niya yon)

Yan, pagdating 'don, siguro titigil na ako sa pag-eemote. Nga pala, kung meron man akong gustong sabihin kay maiko...
una, buti na lang maganda ka at
pangalawa, sana hindi ka na nagpakita kay daddy!! Hmpf!
~peace~

okay, okay, hindi pa tapos yan. Eto naman ang gimmick ni mommy: may colleague si daddy na may anak na babae. By that time, si mommy ay six months pregnant . At ang magandang balita: wala pa akong pangalan. (hinid naman kasi sinasabi ni daddy na meron na siyang naisip na pangalan! Sana kahit paano naremedyohan naman yung pangalan ko!)

Obviously, Kaye ang pangalan ng bruhildang pacute ng pacute kay mommy. Bentang benta naman kay mommy yung pagpapacuute na ginagawa ni kaye.

Sabi ni mommy, sobrang bibo daw nung batang yun, matalino pa. So ayun, alam niyo na kung ano yung naiisip ni mommy.

Pag kinukwento ito sakin kahit pano natutuwa na ako. At kung meron rin akong gustong sabihin kay kaye:
una, buti na lang cute at matalino ka at
pangalawa, sana sa ibang nanay ka na lang nagpacute! ampf!
~peace ulit~

So eto na.. umabot na pala ko sa emergency room at wala pa rin silang napag-uusapang pangalan ko! Ayan tuloy.. nag-away pa sila kung alin sa Maiko at Kaye yung isusulat. Well, sorry si mommy nasa ER na siya kaya itong si daddy.. pinauna na yung maiko tapos isunod na lang daw yung kaye (second name)

October 6, 1990
7:30 pm
Sa Sampaloc, Manila
whaaaphak!!!!

MAIKO KAYE U.BAYSA


~the end~

0 comments: